Local News

Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Catanduanes sumampa na sa mahigit 900; 78% ng target population, nabakunahan na

CATANDUANES—Pumalo na sa 902 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Catanduanes matapos na madagdagan ng walong panibagong kaso ng sakit kahapon.

Batay sa inilabas na report ng DOH-Bicol, apat sa mga bagong naitalang kaso ang mula sa bayan ng Bagamanoc at apat na kaso rin ang nairehistro sa bayan ng Pandan.

Bunsod nito pumalo na sa 120 ang nananatiling aktibong kaso ng sakit sa lalawigan habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kaya’t nanatili ito sa 771.

Samantala, nasa 11 naman ang COVID-19 fatalities sa probinsya habang nasa 35.85% ang kanilang positivity rate.

Kaugnay nito, nasa 78% na ng target population sa Catanduanes ang nabakunahan na kontra COVID-19, batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Provincial Health Office nitong August 3.

Nangangahulugan, na nasa 26,157 individuals na sa lalawigan na pasok sa prioritization groups ang nakatanggap na ng kanilang first dose habang nasa 20,512 naman ang fully vaccinated na.

Patuloy ang panawagan ng PHO sa mga Catandunganon na matamang sundin ang mga ipinatutupad na safety health protocols kontra COVID-19 at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out sa probinsya upang maiwasan ang pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa isang lalawigan.###

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago