Local News

Tourist arrivals sa Legazpi City, mahigit 100% sa 1st quarter sa taong 2022

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng City Tourism Office ng Legazpi na malaki ang itinaas ng tourist arrivals sa lungsod ngayong 1st quarter ng taong 2022 kumpara sa taon 2021.

Ayon kay City Tourism officer Cristina Agapita Pacres, umabot sa 128.69% o 36,053 ang dumating na turista sa lungsod sa nasabing quarter o simula buwan ng Enero hanggang buwan ng Marso ng kasalukuyan taon kumpara sa nakaraang taon na 15, 750 tourist arrival o aabot sa negative 60.84%.

Base sa tala ng ahensya, 35, 886 ang domestic tourist habang 167 ang foreign tourist.

Ayon pa dito, nasa top 3 ng listahan ng mga bansa ang France, China at greece na mga dayuhan sa lungsod ng Legazpi.

Paliwanag pa ng opisyal, ang biglaan pagdami ng turista sa lungsod ay dahil sa pagluwag ng health protocols at pormal ng pagbubukas ng turismo sa bansa.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

29 seconds ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

32 seconds ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 mins ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 mins ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

36 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

1 hour ago