Bilang ng nasawi sa Covid-19 patuloy sa pagtaas; aktibong kaso, bahagyang bumaba

SORSOGON CITY – Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng nasasawi sa Covid-19 sa lalawigan.

Umabot na sa 51 ang death toll kung saan isang 60-anyos na lalaki mula sa Brgy Lajong sa bayan ng Matnog, Sorsogon ang huling naitala kahapon, Abril 5.

Ayon sa ulat ng Provincial Health Office, agad na nasawi ang pasyente dahil sa matinding komplikasyon at nahirapan itong huminga.

Samantala, bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso sa lalawigan makaraang magtala ng 18 recoveries habang 5 naman ang naiulat na nag-positibo sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 1,300 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng corona virus disease sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *