Bilang ng nasawi sa lindol sa Turkey at Syria, tumataas pa rin

Patuloy ang paglobo ng death toll sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.

Sa huling ulat, lumampas na sa 21,000 ang bilang ng patay sa lindol habang pababa nang pababa ang pag-asa ng mga rescuers na mayroon pa silang makukuhang survivors sa mga guho.

Patuloy naman ang pagmamakaawa ng mga survivors na matuloy ang paghahanap sa mga missing para makita ang kanilang kaanak kahit mga labi na lang sakaling patay na ang mga ito.

Samantala, patungo ng Syria si World Health Organization head Tedros Ghebreyesus para personal na makita ang mga biktima at epekto ng lindol.

Nananatili ding kalaban ng mga rescuers at mga survivors ang matinding lamig ng panahon lalo na sa mga pansamantalang nanunuluyan sa mga outdoors. (INDIAN PRESS PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *