Nagkaroon ng significant growth sa birth at marriage rates sa bansa noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula Enero hanggang Disyembre 2022, umabot na sa 1.38M ang registered births.
1.3% na mas mataas ito kaysa sa kabuoang bilang ng naitalang pangangak noong 2021 sa kaparehong buwan.
Nangunguna ang National Capital Region (NCR), na may 143, 115 sa may pinakamataas na bilang ng mga nanganak noong nakaraang taon.
Samantala, tumaas naman ng 433,871 ang naitalang rehistradong kasal noong 2022 – 21.6% na mas mataas kaysa sa 356, 839 noong 2021.
Mula sa kabuoang bilang, pinakamaraming rito ang mula sa probinsya ng Batangas, Cavite, at Cebu.