Bilang ng rehistradong botante sa lunsod ng Cauayan, patuloy ang pagtaas

Nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpaparehistrong botante sa lunsod ng Cauayan para sa nalalapit na National at Local Elections sa May 9, 2022.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Election Officer Efigenia Marquez ng COMELEC Cauayan, humigit kumulang 84, 000 na ang rehistradong botante sa lunsod kung saan nagpapatunay lamang umano ito na lumalaki na ang bilang ng mga Cauayeรฑos na gustong gamitin ang karapatang bumoto at pumili ng nararapat na lider.

Dagdag pa niya, hindi bababa sa 30 na katao kada araw ang nagtutungo sa kanilang tanggapan upang magparehistro kung saan karamihan umano sa kanila ay kabataan.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang mga magpaparehistro na huwag kalimutang magsuot ng face shield at facemask bilang proteksyon at magdala ng sariling ballpen para sa mga pipirmahang dokumento.

Nilinaw naman ng opisyal na sarado ang tanggapan ng COMELEC Cauayan tuwing araw ng Sabado dahil ito ay nakatakda sa satellite registration sa mga barangay kung kayaโ€™t Lunes hanggang Biyernes lamang bukas ang tanggapan maliban na lamang umano kung may naka-schedule na barangay sa mga nasabing araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *