Pumalo na sa sa 34.26 million na indibidwal ang single o hindi pa nag-aasawa sa bansa kung saan binubuo ito ng 18.54 million na lalaki at 15.72 million na babae.
Kaugnay dito, pinaka-marami ang single person sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na mayroong 50.5%, pumangalawa ang Bicol Region na may 42.7% at pangatlo ang Zamboanga Peninsula na may 41%.
Isiniwalat pa sa 2020 Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Lambak ng Cagayan ang mayroong pinakamaraming bilang ng nag-aasawa sa bansa.
Base sa naturang datos ay umabot ng 47% ang naitala sa Lambak ng Cagayan kung saan sinundan naman ito ng Cordillera Administrative Region na mayroong 44.9% at SOCCSARGEN na mayroong 44.3%.
Inihayag pa ng PSA na sa sampung katao ay mayroong apat ang hindi ikinakasal base sa isinagawang census.