Bilang ng teenage pregnancy cases sa lungsod ng Sorsogon bumaba ng 15% sa taong 2022

Kinumpirma ng Sorsogon City Population Office na bahagyang bumaba ng 15% ang kaso ng teenage pregnancy sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News kay City Population Officer Shiela Gumba, sinabi nito na noong 2022 ay umabot na lamang sa kabuuang 283 ang kaso ng teenage pregnancy sa lungsod na mas mababa kumpara noong taong 2021 kung saan nakapagtala sila ng 333 kaso ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan.

Sa East District at West District ay parehong nakapagtala ng mahigit 100 kaso habang 61 na teenage pregnancy ang naitala sa Bacon District.

Samantala, umaasa naman ang opisyal na sa ngayon ay mas lalo pa umano nilang pinapalakas ang kampanya laban sa maagang pag-aasawa at pagbubuntis sa pamamagitan ng mga interactive activities o mga seminars katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK).

Hakbang ito upang mas maraming kabataan ang mailayo sa maagang pag-aasawa na kadalasan ay nagreresulta sa kahirapan ng buhay dahil sa wala sa tamang plano sa pagpapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *