Bilanggo sa Russia, kinulong ulit sa araw pa man din ng kanyang paglaya

Malaya na sana kaso naging bato pa.

Ito ang sinapit ng isang bilanggo sa Russia matapos na makulong ulit sa mismong araw ng kanyang paglaya.

Nakatakda na sanang lumaya sa pagkakakulong ng dalawang dekada ang bilanggong si Kamoljon Kalonov na nakulong dahil sa pagpatay, pagnanakaw, at dahil sa possession ng mga armas at mga pampasabog.

Napag-alaman kasi ng mga bantay na pulis sa piitan na wala na sa kulungan ang billanggo.

Taong 1997 nang makalaya siya sa unang pagkakakulong dahil sa pag-oorganisa ng isang criminal community, pero bumalik sa piitan taong 2001.

Inilarawan naman ng ilang mga netizen na ang nangyari kay Kalonov ay maituturing na “World’s most pointless prison escape.” ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *