Billing rates ng CANORECO para sa buwan ng Abril tumaas

CAMARINES NORTE РAsahan nang tataas ang babayaran ng mga kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative  CANORECO) ngayong buwan.

Tumaas kasi ang billing rates para sa buwan ng Abril na inanunsiyo ng CANORECO) sa pamamagitan ng  kanilang official social media account.

Dahil dito papalo sa Php9.7102 per kWh ang babayaran sa residential rate na mas mataas kumpara sa Php9.2673 per kWh noong nakaraang March billing.

Ang low voltage rate ay Php8.7567 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php7.1084per kWh o nagkaroon ng pagtaas na nasa Php0.4429 per kWh.

Paliwanag ng CANORECO, ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge, System Loss Charge, Lifeline Subsidy at GRAM/ICERA gayundin ang VAT Charges.

Mas mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at sa Newcastle Coal Index at US Consumer Price Index components ng billing ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) para sa supply month ng March 2021, kaya tumaas ang Generation Charge.

Naapektuhan umano ng pagnipis ng supply ng kuryente ang presyo sa WESM dahil sa mga pagkakataong mataas ang demand at sa mga hindi planadong power outage ng mga power plant.

Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Sa kabilang dako, bumaba naman ang Transmission Charge ng Php0.0790 per kWh dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa billing period ng March 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *