Binabantayang LPA, tuluyan nang nalusaw

Wala nang inaasahan pang bagyo na papasok ng bansa sa mga huling araw ng 2022.

Ayon sa PAGASA, tuluyan nang nalusaw ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Sa ngayon, magdadala pa rin ang Shear Line ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at sa Mindoro provinces.

Asahan pa rin ang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa bahagi ng Camarnies, Norte, at nalalabing bahagi ng CALABARZON at MIMAROPA.

Hindi pa rin naman iniaalis ang posibilidad ng mga pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na mga pag-ulan sa mga nabatid na area.

Sa ngayon, asahan pa rin ang maulap na papawirin na may tiyansa ng mga kalat-kalat na pag-ulang dulot ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa bahagi ng Cagayan Valley, CAR, Aurora, Metro Manila, at nalalabing bahagi ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *