Binabayarang income tax rate ng mga domestic corporation bababa sa ilalim ng CREATE Act

SORSOGON CITY – Magkakaroon ng pagbaba sa binabayarang buwis ng mga negosyante sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o CREATE Act.

Sa pahayag sa Brigada News ni Bureau of Internal Revenue (BIR)-Sorsogon head Princini Parco, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay upang kahit paapaano ay matulungan na makabangon ang mga nasabing negosyante na apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Dahil dito, ang dating 30% na binabayaran na income tax rate ng mga domestic corporation ay ibinaba sa 25%, maliban na lamang sa mga  corporate tax payers na ang net taxable income ay hindi sosobra sa 5M at ang total assest ay hindi lalagpas sa 100M, hindi kasama ang halaga ng lupang kinatitirikan ng negosyo o estblisiyimento kung saan 20% lamang ang babayarang income tax rate.

Matatandaan na July 1, 2020 naging epektibo ang CREATE Act at magtatagal ito sa loob ng 3 taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *