Binangonan tragedy, iimbestigahan sa Senado

Naghain ng resolusyon si Senadora Grace Poe para imbestigahan ang insidente ng pagtaob ng MB Aya Express sa Binangonan, Rizal na nagresulta ng pagkamatay sa halos 30 sakay nito.

Layunin ng inihaing Senate resolution No. 704 na magkaroon ng accountability ang naturang trahedya, at alamin kung nasunod nga ba ang maritime regulations.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Poe na ibinunyag ng nangyaring aksidente ang mga kakulangan sa maritime safety compliance – bagay na kailangan umanong muling silipin upang matukoy kung sapat na ba ang mga alituntunin para masiguro ang kaligtasan ng mga indibidwal na naglalayag sa mga karagatan.

Nais aniyang malaman kung ginawa ba ng Marina ang trabaho nito na inspeksyonin ang mga vessels at equipments on board upang masiguro ang pagsunod sa safety standards.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *