LEGAZPI CITY – Arestado isang binata dahil sa dalawang bilang ng kasong panggagahasa sa Brgy. Bitano, Legazpi City.
Kinilala ang akusado na si alyas “Boyet”, 21 anyos at residente ng Zone 9 ng nasabing barangay.
Ayon sa report, pinuntahan ng mga otoridad ang lugar na kinaroroonan ng suspek upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Marso 16 dahil sa nasabing kaso.
Wala ring piyansang ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay mananatili muna sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.