Binata arestado dahil sa pagbebenta ng ‘Marijuana’ sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Hindi na nakapalag pa matapos na maaresto sa buy-bust operations ng Sorsogon Police ang isang lalaki sa Purok Rosal, Brgy. Cumadcad sa bayan ng Castilla.

Kinilala ang suspek na si Ruben Libaste Montas alyas ‘Ben,’ 22 – anyos, binata at residente ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, sa pakikipag-ugnayan ng PNP Bicol at PDEA RO5 isinagawa ang nasabing operasyon kung saan napagbentahan ni Montas ang isang police poseur buyer ng isang pakete ng hinihinalang “Marijuana” katumbas ang P500.

Naging hudyat umano sa mga pulis na arestuhin ang suspek matapos na iabot sa nagpanggap na buyer ang nasabing halaga.

Maliban pa rito, nakuha rin sa pangangalaga ng suspek ang 11 pang selyadong pakete ng plastic na naglalaman din ng mga pinatuyong dahon ng pinaniniwalaang ‘marijuana’ na may timbang na 10ng gramo at may street value na P8K.

 Dahil dito, mahaharap si Montas sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang “ Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Napag-alaman na ang suspek ay nasa listahan din ng Recalibrated Priority Target List.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *