Binata, patay sa aksidente sa Batangas City

Binawian ng buhay ang isang binata matapos na sumapok sa trak ang minamanehong motorsiklo sa intersection ng Balagtas-Balete National Road at By-Pass Road sa Brgy. Balagtas, Batangas City dakong alas-2:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang biktima na si Daniel Jose Delgado Chua, 26 anyos, IT, tubong Brgy Kumintang Ibaba, Batangas City at residente ng Brgy. Balagtas, naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Batangas City Police Station, binabaybay umano ng Isuzu Giga Truck ang Bypass road patungong San Pascual na minamaneho ni Felixberto Almarez y Mangubat, 65, at nang nasa bahagi na ng intersection ay biglang sumalpok sa kaliwang bahagi nito ang Honda motorcycle na minamaneho ng biktima na patungo naman sa Barangay Balete.

Dahil sa lakas ng impact ay dead on the spot ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo.

Nasa kustodiya na ng Batangas CPS ang driver ng trak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.