Binata patay sa taga ng sariling kapatid sa bayan ng Roxas Palawan

Patay sa pananaga ang isang binata ganap na alas-dose ng tanghali kahapon, ika- 21 ng Hulyo 2021  sa Sitio Maharlika, Barangay Magara, Roxas, Palawan.

Ang biktima ay si Patrick Aborot Magbanua, 27 taong gulang, magsasaka at ang suspek ay ang kanyang nakatatandang kapatid na nakilalang si Joseph Aborot Maganua, 33 taong gulang, may asawa, magsasaka, kapwa residente ng Roxas, Palawan.

Lumabas sa imbestigasyon, hinahabol ng suspek habang armado ng kanyang bolo o itak ang kanyang step son at nakita sila ng biktima.

Sa kagustohan na matigil ang gulo,  binato ng biktima ang suspek ngunit sa kasamaang palad ay nagawa nitong umiwas at nagalit sa kanyang nakababatang kapatid.

Hinabol ng suspek ang biktima at  tinaga sa kanang braso na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *