Binata, pinagsasaksak sa bayan ng Taytay-Patay!

Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng bente-kwatro anyos na binata matapos itong mamatay sa saksak nitong April 16, 2023 sa Montevista Rotonda, Poblacion Taytay, Palawan.

Ang biktima ay si Joel Alvilar na inilibing ngayong araw ng Miyerkoles.

Ayon sa tiyahin nito na si Glady Mae Paduga, may sugat sa leeg at mga saksak  sa dibdib ang pamangkin nang ito ay abutan nilang nag-aagaw buhay sa pagamutan ng Taytay.

Sa autopsy result ng biktima, nagtamo ang binata ng apat na sugat sa dibdib na umabot sa kanyang puso dahilan ng mabilis nitong pagkamatay.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw  sa pamilya ang mga naganap bago makitang duguan ang mahal sa buhay nitong Linggo ng madaling-araw.

Gayunpaman, wala pang suspek ang pamilya habang umaasa sila na mapapabilis ang pagresolba ng pulisya sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *