Binata, pinagtulungang bugbugin ng inakala niyang mga kaibigan; wow mali ang tric na sinakyan

Sakit ng katawan ang inabot ng isang 20 anyos na binata matapos siyang pagtulungang bugbugin ng tatlo umanong inakala niyang kakilala at kaibigan sa Purok Mahoghany sa Barangay Sicsican, Puerto Princesa City.

Ang lalaki ay kinilala ng Anti – Crime task Force na si “Julius Bautista Parreno” na taga- Sicsican.

Napag-alaman na si Julius ay inireklamo ng may-ari ng tindahan na si Kristine F. Martinez matapos na tamaan ng bato ang tindahan nito sa lugar bandang alas- dose ng hating gabi.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na si Julius ay biglang sumakay sa isang tricycle para makauwi galing sa inuman.

Inakala raw ni Julius na ang nagmamaneho ng tricycle na iyon ay ang kanyang kaibigan.

Lulan ng tricycle ang tatlong kalalakihan na di umano ay mga naka-inom ng alak. Nang dahil sa hindi pagkakaintindihan ay nabugbog si Julius at natusok pa umano ng kutsara sa leeg.

Aminado si Julius na siya ang nakabato sa tindahan ni Kristine nang palagan niya ang tatlo.

Samantala, hindi pa umano nakilala ang mga bumugbog sa binata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *