Binata sa China na hindi makatagpo ng kasintahan pinutol ang kanyang ari

ISANG binata sa China na si Yang Hu, ang hindi makatagpo ng kasintahan kaya napagpasiyahan niyang putulin na lang ang kanyang ari.

Ayon sa binata, wala na umanong silbi pa ang kanyang pagkalalaki dahil wala rin naman siyang oras upang makahanap pa ng makakapareha, lalo na at mas mahaba ang oras na igunugugol niya sa trabaho kaya wala na siyang panahon upang makapangligaw pa.

Bunsod ng matinding depression at matinding bugso ng damdamin ni Yang Hu, tinuluyan niya na ang pagputol sa kanyang ari, ngunit nang matapos niya itong maputol saka nagbago ang kanyang isip at nais niyang muling ikabit ang naputol na bahagi ng kanyang katawan kaya agarang siyang tumungo sa pinaka-malapit na hospital upang magpagamot.

Sa kasamaang palad sinabi ng doktor kay Yang Hu na hindi na maari pang ikabit ang naputol dahil naubusan na ito ng dugo.

Kaya ganun na lamang ang pagsisisi ng binata dahil sa padalos dalos niyang mga desisyon sa buhay,totoo ngang nasa huli palagi  ang pagsisisi.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *