Binata sumemplang sa motorsiklo-patay; umaga na nakita

Nagdadalamhati ngayon ang mga mahal sa buhay ni Jebby Eniosan, 25- anyos ng Guilingan Barangay Iraan sa Rizal, Palawan.

Nasawi kasi si Jebby nang mag-self crashed habang sakay ng motorsiklo bandang alas-onse gabi ng Biyernes, Hunyo 28 sa National Highway ng Purok Rancho II Barangay Punta Baja, Rizal.

Sa report ng Rizal Municipal Police Station, bandang alas- sais ng umaga ngayong Sabado nang i-report sa kanila na nakita sa tabing kalsada ang katawang ni Jebby malapit sa motorsiklo, patay na pala.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-overshoot pala ang binata sa dinaanan nito bago ito sumemplang at humampas ang kanyang ulo sa matigas na bagay at nawalan ng malay.

Bago ang aksidente, napag-alaman ng pulisya na nakipag-inuman ang biktima sa pinsan nito sa Barangay Iraan bandang alas-nwebe, bago ito umalis pabalik sa boarding house sa Punta Baja sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ang binata ng ‘severe head injury’ sanhi ng pagkamatay nito, ayon sa sumuring doktor sa Rural Health Unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *