Binatang hindi matanggap sa trabaho dahil sakanyang itsura, nagpa retoke ng 9 na beses

Vietnam—Nakakalungkot lamang isipin na hanggang sa ngayon, nagiging basehan pa rin ang itsura ng isang indibidwal upang matanggap sakanyang nais na pasukang trabaho. Maikokonsidera mang diskriminasyon ngunit ito ay totoong nagagap pa rin sa lipunang ating ginagalawan.

Sa katotohanan sa bansang Vietnam, viral ngayon sa social media ang isang binatang nagpasyang sumailalim sa siyam na beses na pagpapa retoke o plastic surgery matapos ilang ulit na hindi tanggapin sakanyang mga ina-aplayang trabaho.

Ayon sa 26-anyos na si Do Quyen, makailang ulit niyang naranasan na pagtawanan at tuksuhin dahil sakanyang hitsura. Naapektuhan rin nito ang kanyang self-esteem at tiwala sa sarili dahil kahit saang kompanya siya sumubok na mag apply, ay umuuwi siyang luhaan dahil hindi siya matanggap dahil lamang  sakanyang pisikal na katangian.

Bagay na nagtulak sakanyan upang magpasyang sumailalim sa plastic surgery hindi lamang ng isa o dalawang beses kundi siyam na beses. Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries. Aminado ang binata na tutol sakanyang pagpapa retoke ang kanyang mga magulang ngunit pursigido siyang baguhin ang kanyang katangiang pisikal hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.

Ayon pa kay Quyen, hanggat wala siyang natatapakang ibang tao wala siyang dapat na ikabahala lalo na at ito ang nakita niyang solusyon para maging masaya sa buhay at para mas mapataas ang kumpiyansa sakanyang sarili. || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *