Binatilyo, biktima ng boga sa Daraga, Albay

Mula nang mag-umpisa ang Department of Health (DOH) Bicol ng kanilang monitoring sa mga fireworks-related injuries noong isang linggo ay nairehistro kahapon ang unang kaso nito sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa report, isang kinse anyos na binatilyo mula sa bayan ng Daraga, Albay ang nabiktima ng isang improvised canon o boga alas otso ng umaga.

Nagtamo ito ng malaking sugat, ngunit wala namang bahagi sa katawan nito ang naputol dahil sa nasabing paputok.

Agad na dinala ang biktima sa Bicol Regional Hospital and Medical Center para sa medikal na atensyon.

Sa ngayon naman ay naipagamot na ang biktima at nakauwi na rin sa kanyang tahanan.

Paalala ng DOH Bicol na umiwas sa mga paputok at gumamit na lamang ng mga alternatibong paingay sa pagdiriwang o pagsalubong ng bagong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *