Binatilyo, natagpuang patay sa isang palayan; mga suspek, tinutugis na

Natagpuan sa isang palayan ang bangkay ng isang binatilyo na ayon sa pamilya, dadalo sana sa isang sayawan, gabi noong Lunes, Mayo 1 subalit hindi na nakauwi.

Kinilala ang napaslang na si Ivan Babasa Bosquillos, 17-anyos, naninirahan sa Campsite, Brgy Guinlajon, Sorsogon City habang ang mga kasamahan nito ay nakilalang sina Reymond Babasa Bosquillos, 23-anyos, laborer; Angelo Babasa Bosquillos, 22-anyos; Jemboy Geranco Galido, 21-anyos at Jeffrey Abar Bosquillos, 22-anyos lahat residente ng Camp Site, Brgy Guinlajon, West District, Sorsogon City.

Sa police report na natanggap ng Brigada News, dadalo sana ang 5 binata, kabilang na ang biktima, lulan ng motorsiklo galing sa isang sayawan subalit pinahinto sila ng dalawang lalaki na lulan naman ng habal-habal.

May hawak umano na patalim ang isa at ang isa naman ay may hawak na itak. Hinarap umano sila at basta na lamang inundayan ng patalim at itak.

Ayon kay Jemboy Galido, naka-ilag sila at kanya-kanya na umano silang takbuhan at hindi na nila alam kung saang direksyon nakatakbo ang biktimang si Ivan.

Umaga, kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gitna ng palayan sa Purok 7, Brgy Barayong, West District, Sorsogon City.

May tama ng mga saksak at taga sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima.

Kinilala naman ng Pulisya ang mga suspek na sina Dandin Lactao Jarabese, 27-anyos, street sweeper residente ng Brgy Pamurayan at Bernie Lactao Jarabese, 37-anyos naninirahan sa Brgy Penafrancia, Sorsogon City.

Patuloy ngayon ang pagtugis ng tracker team ng Sorsogon City Police Station sa mga suspek.

PHOTO via Mon Licup

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *