Nakatanggap ang Department of Foreign Affairs ng impormasyon mula sa Kuwait Juvenile Court na sinentensyahan ng 15 taong pagkakakulong ang pumatay sa Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jullebee Ranara.

Pinatawan ang suspek ng 15 taong pagkabilanggo dahil sa murder; at dagdag na 1 taon pa dahil sa pagmamaneho nito ng walang lisensiya.
Kung maaalala, ni-rape, pinatay, sinunog at iniwan ng salarin sa disyerto ang katawan ni Ranara.
Ikinatuwa naman ng pamahalaan ang agarang pagtugon ng Kuwait Government sa kaso.
HINDI SAPAT
Personal na binisita nina Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA ) Administrator Arnell Ignacio ang pamilya ni Jullebee.
Ito ay para ibalita ang desisyon ng Kuwaiti Government na sinentensyahan na ng pagkakakulong ang binatilyong pumatay sa OFW.
Bago ito, sa hiwalay na panayam ay naibahagi ng mga naulila ni Ranara na kung sila ang tatanungin – ‘hindi sapat ang 15-years na sentence sa binatilyo.
Ayon sa nakababatang kapatid Jullebee na si Mark Reyes, dapat ay mas mataas pa ang penalty rito.
Gusto raw nila itong i-apela dahl hindi raw nito matutumbasan ang brutal na ginawa sa kaniyang ate.
Samantala, naibahagi naman sa huling Laging Handa Public Briefing ni Foreign Affairs Usec. for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na hanggang sa ngayon – wala pa rin daw natatanggap na compensation ang mga naulila ni Jullebee mula sa kaniyang dating employer.
#