BINI, inaming na-starstruck sa K-pop group Red Velvet

Isang magandang karanasan para sa Pinoy girl-group BINI na makilala ang K-pop group na Red Velvet sa isang concert noong July 22 sa Mall of Asia Arena.

Kaugnay nito, nagkaroon ng pagkakataon ang BINI, maging ang kapatid nitong grupong na BGYO na makasama sa stage ang Korean stars.

Aminado rin ang grupo na talagang na-starstruck sila sa sobrang ganda ng mga miyembro ng Red Velvet.

Samantala, kinumprima ng Pinoy girl-group na panonoorin din nila ang upcoming concert ng K-pop group SEVENTEEN sa Manila ngayong Oktubre, para ipakita umano nila ang kanilang suporta sa miyembrong si Joshua.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, viral sa mga Filipino fans ng SEVENTEEN ang clip ni Joshua na ginagawa ang TikTok challenge ng BINI na “Na Na Na”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.