BINI, inanunsyo ang ‘The Grand BINIVERSE’ concert sa Araneta Coliseum

Matapos ang tatlong araw na concert, inanunsyo ng Nation’s Girl Group na BINI ang kanilang encore concert na ‘Grand BINIVERSE’ na gaganapin sa Araneta Coliseum sa October 4, 2024.

Inanunsyo ito ng grupo kagabi sa pangatlo at huli araw ng kanilang three-day concert sa New Frontier Theater.

Matagal nang hinihimok ng BLOOMS (fans ng BINI) na isagawa ang kanilang concert sa Araneta dahil bukod sa mas malaki ito sa NFT, mas marami pang makakanuod live ng kanilang iconic songs na ‘Pantropiko’ at ‘Salamin-Salamin.’

Maalalang sa kanilang three-day concert, nag tanghal ang mga Bini members ng kanilang solo performances, tulad ng Crazy in Love ni Beyonce, Tadhana ng Up Dharma Down, at Isa Pang Araw ni Sarah Geronimo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *