CAMARINES NORTE – Sumailalim na sa land appraisal ang lupang posibleng mabili ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes sa Barangay Mambungalon parehong bayan.
Personal na tinungo ng grupo ng Provincial Appraisal Committee sa pangunguna ng Provincial Assessor and committee Chairman Engr. Oscar V. Albos at tax Mapping Division Chief Armin Flores, kinatawan mula sa Provincial Treasurerβs Office at Provincial Engineering Office kasama si LGU Mercedes Municipal Assessor Gemma P. Abla, at Mambungalon Brgy. Captain NiΓ±o Bautista kasama ang ilang opisyal ng Barangay ang Purok 5, Sitio.Tumandoc sa nabanggit na Barangay.
Ito ay upang magsagawa ng ocular inspection sa dalawang parcel ng lupang aabot sa 1.5 ektarya na kinatitirikan ng mga bahay ng nasa higit 30 pamilya .
Ang hakbang na ito ay pasimula ng pag proseso ng pagbili ng lupa ng munisipyo mula sa orihinal na may ari nito na nagpahayag ng pagpayag na ito ay ibenta sa LGU.
Ayon sa Municipal Information Office, sa sandaling mabili na ito ng munisipyo ay uumpisahan na ang pag proseso ng mga dokumento para maisaayos na ang papeles nito.
Hindi binanggit sa report kung ano ang gagawin sa lupang nais bilhin ng LGU.
