Biofertilizer, mas mahal pa kaysa shabu – Sen. Marcos

Mas mahal pa kaysa shabu ang biofertilizer!

Ito ang pabirong tugon ni Senator Imee Marcos ng matanong kaugnay sa memorandum ng Department of Agriculture sa paggamit ng biofertilizer ng mga magsasaka sa bansa.

Ayon kay Senator Marcos, nasindak siya sa napakataas na presyo nito na mas mahal pa kaysa sa shabu.
kung aabot umano sa 6,000 hanggang 12,000 pesos ang presyo ng biofertilizer sa isang ektaryang lupain ay sobrang taas ito.

Nangangamba rin ang senadora sa posibilidad na maging panibagong Fertilizer Fund Scam ang naturang proyekto kung saan ginamit noon ang DA fertilizer fund sa re-election.

Una rito ay nanindigan naman ang DA na ang biofertilizer ay mura at eco-friendly.

Malaking tulong din umano ang naturang abono para sa mas balanced at sustainable na rice production ng mga magsasaka sa bansa.

Ginawa ni Senator Marcos ang pahayag kasabay sa kanyang pagbisita sa Bauan, Batangas ngayong araw ng Biyernes kung saan pinangunahan nito ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisaryo sa ilalim ng DSWD AICS program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *