Biosecure Swine Housing Facility, malaking tulong sa lunsod ng Legazpi upang maging sapat ang supply ng baboy

LEGAZPI CITY – Naniniwala ang alkalde ng Legazpi na si Geraldine Rosal na malaki ang maitutulong ng itatayong proyekto na Biosecure Swine Housing Facility sa Brgy. Buyoan sa nasabing lunsod upang mapunuan o mapalago ang hogs at poultry supply.

Ayon sa alkalde, ito na ang magiging solusyon upang maging sapat ang supply ng baboy sa lunsod sa oras na matapos ang nasabing proyekto.

Sa oras din na maging matagumpay ang proyekto ng Legazpi Livestock Foultry Raiser Agriculture Cooperative ay maaaring madagdagan pa ito kung kinakailangan umano ng lungsod.

Katuwang din ng kooperatiba at City Veterinary Office ng Legazpi ang Department of Agriculture (DA) Bicol kung saan layunin ng kanilang programa na muling maiangat ang “hog raising” o pag-aalaga ng baboy sa lalawigan at lungsod na labis na naapektuhan nang lumaganap ang African Swine Fever (ASF) sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon. Pinapasalamatan naman ni Rosal ang nasabing kooperatiba dahil sila na mismo ang tanging nag-initiate upang maitayo ang pasilidad at matulungan ang mga hog raisers sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *