BIR, iimbestigahan ang 250 social media influencers

Isiniwalat ng Bureau of Internal Revenue na iimbestigahan nito ang tinatayang nasa 250 na social media influencers dahil sa hindi pagbabayad umano ng buwis at iba pang mga paglabag sa tax code.

Sa unang beses na paghahabol ng BIR sa mga digital-based income earners, ay sinabi ni Deputy Commissioner Arnel Guballa na madiditermina sa imbestigasyon kung sumusunod ang mga influencers sa kanilang tax obligations.

Base sa inisyal na probe ay natuklasan na ang mga nasabing personalidad, na kilala dahil sa kanilang orihinal na content sa iba’t-ibang digital platforms, ay maituturing na highest earners pagdating sa mga kinikita nila mula sa Facebook, Instagram, at YouTube.

Matatandaan na nag-isyu ang BIR ng revenue memorandum circular noong August para habulin ang mga influencers.

Nakasaad sa ilalim ng RMC 97-2021 na kailangan ng influencers na may gross income na higit P3-milyong na magbayad ng 12-percent value added tax, habang ang mga kumikita naman ng mas mababa sa nasabing halaga ay kailangan magbayad ng 8 percent ng gross sales nito o receipts na excess ng P250,000.

Nagbabala naman ang BIR sa mga influencers na umiiwas sa buwis na pwede silang makulong ng anim hanggang 10 taon at pagbayarin ng multa na aabot sa P10-milyong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *