BIR pinaalalahanan ang mga employer sa kanilang mga obligasyon na mag withhold, remit at magsumite ng alpha list ng kanilang mga empleado

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue ang mga employer hinggil sa kanilang obligasyon na mag- withhold, mag remit at magsumite ng alphalist ng mga empleado.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Revenue District Officer Felix Roy na meron talagang obligasyon ang employer na mag withhold sa mga empleado  na lagpas sa P250,000 ang income sa buong taon  kahit nabawas na ang mga bonus nito.

Binabawasan ng employer ng withholding kada buwan ang mga empleado para i- remit sa BIR gamit ang  form 1601-C.

Sa pagtatapos ng taon ay magsusumite ang employer ng form 1604-E o ang summary ng kabuuang nire- remit buwan- buwan.

Obligasyon din umano ng employer na isumite ang alphalist  ng mga empleado kung saan nakahiwalay na lista ang mga minimum wage earner, nag resign at bagong empleado.

Pinaalalahanan din ni Roy ang mga employer na magsumite ng form 2316 o ang Certificate of Compensation Payment or Income Tax Withheld bago o sa Enero 31.

Dito naman makikita kung magkano ang tinanggap ng employee sa loob ng isang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *