BIR probe initial list ng 250 socmed influencers re: Tax compliance

Inihayag ng Department of Finance (DOF) na may hawak nang listahan na 250 social media influencers ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para alamin kung nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis.

Ayon Finance Sec. Carlos Dominguez III, batay sa ulat na ibinahagi sa kanya ng BIR, nabigyan na umano ng letter of authority ang ilang mga influencer na napag-alamang self-earners o malaki ang kinikita.

Mababatid na nauna nang sinabi ng BIR na itinuturing na business income ang kita sa digital platform ng mga social media influencers at kailangan nilang magbayad ng nararapat na buwis.

Batay sa inilabas na circular ng BIR, kabilang sa mga kinakailangang magbayad ng buwis ay ang malalaki ang kinikita sa youtube partnered programs, blogpost, may advertising, mga brand ambassadors, maging mga ebooks, podcast at webinars.

Matatandaan na dinelete ng youtube vlogger na Jamill ang kanilang youtube channel dahil umano sa personal na kadahilanan, pero hula ng marami ito ay dahil sinisingil ng buwis ng BIR ang mga kumikita ng milyones sa kahit anung social media platform.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *