BIR-Sorsogon, muling nagbabala sa mga online sellers na hindi pa nagbabayad ng buwis

Muling binalaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Sorsogon ang lahat ng mga aktibong online sellers na hindi parin nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Sa panayam ng Brigada News kay Princini Parco, Revenue District Officer ng ahensya, sinabi nito na ubos na ang kanilang pasenya sa pagbibigay ng konsiderasyon sa mga ito na ilang taon na nilang pinapaalalahanan pagdating sa kani-kanilang obligasyon bilang mga negosyante.

Nakipag-ugnayan narin ang BIR sa DTI maging sa barangay level upang suyurin ang lahat ng online sellers na aktibong nag- ooperate ng kanilang negosyo online kung saan ngayong taon ay wala na silang ibibigay na anumang kondirasyon kundi ang pagbayarin o pagpapahinto ng kanilang mga negosyo dahil ito ay hindi patas para sa ibang mga negosyante na maliban sa pagbabayad ng pwesto ay matapat na nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *