Bird flu, nananatiling banta sa Koronadal

KORONADAL CITY — MULING hinihikayat ng City Veterinary Office ng Koronadal ang publiko na mag-ingat dahil hindi pa natatapos ang banta ng avian influenza o bird flu virus lungsod.

Ito ang panawagan ni City Veterinarian Dr. Charlemagne Calo sa publiko lalo na sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon kung saan maraming salo-salo at kainan ang magaganap.

Sinabi ni Calo na hindi pa rin ligtas sa bird flu ang Koronadal dahilan kung bakit importanteng sumunod pa rin ang lahat sa tamang proseso ukol sa pagpapapasok o paglabas ng mga poultry animals at poultry products sa lungsod.

Nilinaw ng City Vet na kailagan pa rin ng certificate of acceptance mula sa barangay kung saan dadalhin ang poultry animals na ipapapasok sa lungsod at importante din na may dokumento ito mula sa kanyang pinagmulan.

Sa pamamagitan umano ito, maiiwasan ang posibleng paglaganap ng bird flu sa lungsod lalo na’t nakakahawa din ito sa tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *