Bise alkalde ng Legazpi City na sinasabing pinsan umano ng isa sa 2 scammers na naaresto kamakailan sa lunsod, inaming wala siyang alam sa mga gawain ng mga suspek

LEGAZPI CITY – Nagsalita na ang bise alkalde ng Legazpi City na sinasabing pinsan umano ng isa sa naarestong scammers kamakailan sa lunsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Vice Mayor Bobby Cristobal, inamin niyang pinsan niya nga ang isa sa mga suspek na si Carol Rosauro y Cristobal ngunit sinabi niya na wala siyang ideya sa mga pinaggagawa nito pati na ng kanyang asawa na si Ronald Anthony Rosauro y Ballerda.

Aniya, nakakalungkot isipin na maraming naniwala sa kanila dahil sa paggamit ng kanyang pangalan at apelyido.

Hindi na umano magkokometo si Cristobal tungkol sa isyu sapagkat on-going naman ang kaso.

Ayon sa bise alkalde, marami na sakanyang mga lumapit at nagtatanong tungkol sa mag-asawa kahit noon pa, ngunit limitado naman umano ang kanyang magagawa dahil wala naman siyang alam sa kanilang napagkasunduan o napag-usapan.

Dagdag pa ni Cristobal, hindi nan sila close ng suspek.

Sa kabila nito, payo niya sa publiko na sampahan sila ng kaso dahil pinapakinggan naman umano ng kapulisuan at ng korte ang ganitong uri ng reklamo at hindi naman umank nila pababayaan.

Ito aniya ang pinakamagandang paraan, at hindi ang pagpopost o pagrarant sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *