Bise alkalde ng Polangui, Albay, inilatag ang kanyang first 100 days accomplishment

LEGAZPI CITY – Naglatag na rin ang bise alkalde ng bayan ng Polangui, Albay na si Cherilie Mella Sampal ng kanyang mga akomplisimento sa pagka-bise alkalde sa loob ng isang daang araw, kung saan kasama nito ang alkalde sa isinagawang Ulat sa Bayan nito lamang Biyernes.

Sa naging pahayag ng opisyal, sinabi nito sa publiko na pinamunuan nito ang 14 regular sessions at 3 special sessions sa sangguniang bayan.

Naging aktibo rin ito sa pagbabalangkas ng Executive at Legislative Agenda.

Naitulak nito sa Sangguniang bayan ang mabilis na pagpasa ng annual budget; inaksyunan ang mga isyu sa security of land tenure para sa Polangui Carp.

Bukod pa rito, nakibahagi rin ito sa sampung financial assistance sa Non-Government Organizations (NGOs), kung saan 13 rito ang sports group organizations, isang religious group, at iba pa.

Dagdag pa nito, aktibo ring nilahukan nito ang mga  programa at aktibidad tulad ng Brigada Eskwela, SPES program at iba pa.

Patuloy din nitong sinusuportahan ang programa ng Department of Agriculture (DA) na may layuning matulungan ang mga magsasaka. Sinabi rin ito na sa susunod na tatlong taon, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ng alkalde ay mas lalo pa nilang palalakasin ang pagtutulungan at pagsusumikap para sa kaunlaran ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *