Bishop Alarcon nagpaabot ng pagbati sa lahat media practitioner sa pagdiriwang ng World’s Communication Day

Nagpaabot ng pagbati si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa lahat ng media practitioner sa pagdiriwang ng World Communications Day nitong Linggo, May 21, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet binigyang diin ni Alarcon na siya ring Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth na napakahalaga at importante ang papel ng media para isiwalat ang katotohanan.

Aniya, sa panahon ngayon na laganap ang “fake news” at nakakalitong impormasyon ay malaking hamon ang kinakaharap ng media.

Batid umano ng Obispo na hindi madali ang pagtupad sa tungkulin bilang mamahayag sa panahong ito.

Hinimok din nito ang lahat ng nasa industriya ng pamamahayag na hanapin ang katotohanan tulad ng panawagan ni Pope Francis.

Pinasalamatan din ng Obispo ang ambag ng mga mamamahayag sa misyon nitong magbalita at para sa kabutihang panlahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *