Local News

Bishop Alarcon ng Daet umapela ng dasal sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Myanmar

CAMARINES NORTE- Umapela ng dasal si Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon para sa mga taga Myanmar sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa naturang bansa.

Ginawa  ng Obispo  ang apela bago magtapos ang kaniyang misa nitong Linggo, June 20, 2021.

Aniya, hanggang sa ngayon ay walang kapayapaan sa Myanmar kaya’t importanteng maisama sa panalangin ng bawat isa ang mga mamamayan doon.

“Humihingi ng panalangin ang ating mga kapatid sa Bhurma sa Myanmar, you know there is no peace in Myanmar, so please include in your prayers the people of Myanmar,” ani Alarcon.

Matatandaan na nagsimulang sumiklab ang kaguluhan sa lugar noong Pebrero makaraang patalsikin ng Myanmar army ang kanilang gobyerno.

Kasunod nito ay inaresto ng militar si State Counsellor Aung San Suu Kyi, at ilan pang democratically elected officials doon.

Umabot na rin sa mahigit 800 ang mga namatay sa ginagawang crackdown ng military junta sa mga pro- democracy protesters.

Mababatid na sa loob ng mahabang panahon, nasa ilalim ang Myanmar ng oppressive military leadership.

Ang Myanmar ay kapitbahay ng Pilipinas sa South East Asia at ang kaguluhan doon ay sinasabing may posibleng epekto sa huli at sa iba pang mga bansa.

Para sa ilang eksperto, malinaw ang “trend” na nangyayari sa ngayon lalo’t tumama rin ang COVID- 19 pandemic.

Kasabay ng pagtama ng pandemya na bumago sa takbo ng mundo, nakita ng ilang eksperto ang tinatawag na “authoritarian elements” kung saan ang mga lider ay ginagamit umanong pagkakataon ang krisis bilang isang oportunidad na mapalakas ang kanilang kapangyarihan.

Nakita umano ito nang inintroduce ng China sa Hongkong ang National Security Law para tibagin ang democratic movement.

Sa Pilipinas naman ay ipinasa ang Anti -Terror Law na sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang debate sa Korte Supreme hinggil sa legalidad nito.

BNFM Daet

Recent Posts

‘Chibog’ tourism – isinusulong ni PBBM

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na isulong ang tinatawag na gastronomic tourism.…

6 mins ago

Lalaki, pinagbabaril-patay sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Barangay…

1 hour ago

Mangingisdang direktor mula sa Catanduanes, ipinakilala na ng BFAR Bicol

BNFM Bicol-OPISYAL nang ipinakilala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang ika-19…

1 hour ago

86-anyos na ginang – patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Ermita, Maynila

Patay ang isang 86 anyos na babaeng Chinese matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa…

1 hour ago

Iba’t ibang mga Unibersidad at kolehiyo sa Bicol, nagbigay ng suporta sa Catanduanes State University hinggil sa namataang Chinese Vessels sa katubigang sakop ng Catanduanes

BNFM Bicol-MATAPOS mamataan sa katubigang sakop ng Catanduanes ang ilang mga Chinese Vessels, nagpahayag ng…

2 hours ago

Dalawang endangered na unggoy – nasagip ng DENR sa Caloocan City

Nailigtas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang Philippine…

2 hours ago