Bishop Alarcon ng Diocese of Daet hinimok ang bawat isa na makilahok sa gagawing barangay at SK Elections ngayong araw

CAMARINES NORTE – Hinimok ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet ang bawat isa na makilahok sa gagawing Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong araw, October 30.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang tinatawag na ‘engage’ citizenship at ang pagpapakita umano ng malasakit sa bayan at sa kapwa ay hindi lang dapat tuwing eleksyon.

Aniya sa lahat ng pagkakataon ay dapat maipakita ang pagmamalasakit lalo na sa kalinisan at kaayusan ng Barangay.

Binigyang diin ng Obispo na ang ‘engage’ citizenship ay hindi lang pagpapaabot ng mga hinaing sa mga lider ng lipunan at hindi lang din paghingi ng boto ng mga kandidato tuwing eleksyon  kundi ang pagtupad ng tungkulin ng parehong panig. Ginawa ang pahayag bago matapos ang misa kahapon sa Most Holy Trinity Cathedral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *