Local News

Bishop Alarcon pinangunahan ang Palm Sunday Mass sa Holy Trinity Cathedral.

CAMARINES NORTE- Pinangunahan ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang Palm Sunday Mass kahapon, April 2, sa Holy Trinity Cathedral  dito sa bayan ng Daet na hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw.

Sa kaniyang homily hinimok ni Alarcon ang bawat mananampalataya na suriin at tingnan ang sarili  ngayong Semana Santa.

Aniya, ngayong mga mahal na araw ay damang- dama ng bawat isa ang pagpapakasakit at paghihirap ni Jesus na maaaring iugnay sa paghihirap at sakit na pinagdadaanan ng bawat tao sa pang- araw- araw na buhay.

Ngayong Semana Santa ay pinagtutuunan umano ng pansin ang higit na mahahalagang bagay kaya marami ang pansamantalang tumitigil sa trabaho at pag- aaral para umuwi ng bahay, magnilay at magdasal.

Isinasantabi rin umano sa mga panahong ito ang napakaraming distractions at kinakalimutan ang makamundong bagay para sa higit na mas mahalaga.

Ayon pa sa Obispo magandang pagnilayan din sa mga panahong ito ang halaga ng buhay, paghihirap, tagumpay at pagkabigo.

Ang Semana Santa aniya ay paanyaya sa bawat isa na ituon ang pansin sa paghihirap at mga sakripisyo ni Jesus.

Kasabay naman ng Linggo ng Palaspas ay itinalaga rin itong “Alay Kapwa Sunday kaya mayroong special collections sa mga misa na inilalaan sa mga charitable programs ng simbahan para sa mga mahihirap.

Samantala, sa unang pagkakataon pagkatapos ng  tatlong taon ay muling ginagawa ang mga tradisyun sa Semana Santa na natigil noong kasagsagan ng pandemya lalo na ang pagsasagawa ng pursisyon.

Sa kabila nito may mga bagay na hindi pa rin maipapahintulot ngayon tulad ng paghalik sa krus sa veneration of the cross sa Biyernes Santo.

Pinapayagan naman ang paghawak dito at sa imahen ng mga santo.

BNFM Daet

Recent Posts

‘Car-free Sundays’ sa Roxas Boulevard – magsisimula na bukas

Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…

2 hours ago

Dating PNP chief Albayalde – ‘di nangangamba sa ICC investigation

Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…

2 hours ago

DOLE Sec. Laguesma, dinepensahan ang sarili matapos tawaging ‘unpopular labor secretary’

Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…

2 hours ago

Malakas na solar storm – tumama sa daigdig

Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…

2 hours ago

Mga patay na corals – tinambak umano sa Sabina o Escoda Shoal ayon sa PCG

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…

2 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 10-anyos na estudyante sa South Cotabato

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…

2 hours ago