“Bisita, Be My Guest” program ng DOT, inilunsad sa Soccsksargen

KORONADAL CITY- INILUNSAD ng Department of Tourism o DOT Region 12 kamakailan lamang sa probinsya ng Sultan Kudarat ang programa nitong “Bisita, Be My Guest” o BBMG.

Ito ang pinakaunang regional launching ng BBMG sa bansa.

Ang Bisita, Be My Guest ay isang programa ng DOT at Department of Migrant Workers (DMW) na nagbibigay ng insentibo sa mga Pinoy lalo na sa mga Overseas Filipino Workers o OFW na makakapag-imbita ng mga foreigners na bumisita sa Pilipinas.

Ang mga ito ay entitled ng raffle tickets at tyansang manalo ng vacation tour packages sa mga selected local destinations.

Ang mga registered participants ay mayroon ding tyansa na makapag-avail ng discounts, special rates at packages sa loob ng tourism campaign period gamit ang BBMG Travel Passport at BBMG Privilege Card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *