TATLONG oras na na-delay ang flight ng Delta Airlines nitong araw ng Miyerkules biyaheng mula Atlanta papunta sa Houston, matapos itong putaktihin ng mga bubuyog.
Hindi naman eksaktong sinabi ng Delta flight 1682 ang kanilang ginawang hakbang para ma resolba ang aberya sa biyahe ngunit sinabi nitong ang kalagayan ng mga bubuyog at ang pagti-tiyak na hindi naapektuhan ang alinmang bahagi ng eroplano ang nakapag pa –delay sa biyahe.
Samantala, humingi naman ng pasensya ang pamunuan ng nasabing airline company sa mga pasaherong naapektuhan ng naturang insidente.### JDR