Biyahe ng maliliit na sasakyang pandagat muling sinuspinde ng Coast Guard dahil sa nakabanderang gale warning

CAMARINES NORTE- Muling sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa karagatang sakop ng lalawigan ng Camarines Norte dahil sa nakabanderang gale warning ng Pagasa.

Ito ay makaraang payagan ang pagbiyahe ng mga ito kahapon dahil sa pagbuti ng lagay ng panahon matapos ang ilang araw na malalakas na pag ulan at hangin.

Batay sa inilabas na Notice to Mariners  ngayong umaga, ni LTJG Ronnie Rey Pabico Acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte muling ipinapatupad simula ngayong araw ang temporary suspension of voyage ng mga sasakyang pandagat na 250 Gross Tons pababa bilang proactive measure.

Ito ay upang maiwasan ang anumang maritime incidents.

Muling papayagan ang paglalayag ng mga bangka kapag bumiti na ang lagay ng panahon.

Ayon naman kay Pagasa Daet weather specialist Melissa Garamay, makakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang hanging amihan habang trough ng Low Pressure Area  na nasa silangan hilagang silangan ng Hinatuan Surigao Del Sur naman ang magpapaulan sa kabikulan ngayong araw.

Dahil dito asahan umano ang mga pag ulan ngayong buong maghapon at sa mga susunod na araw.

Pinaalalahanan din ni Garamay ang mga mangingisda na huwag na munang pumalaot.

Maliit naman daw ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang binabantayang LPA.

Sa bisperas at mismong araw ng pasko asahan pa rin daw ang mga pag ulan pero hindi ito kasinglakas kumpara nang mga nagdaang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *