Biyahe ng mga jeep sa Naga ngayong araw tuloy na tuloy

NAGA CITY- Tuloy na tuloy ang biyahe ng jeepney sa Naga City ngayong araw ayon sa Public Safety Office Transport Unit.

Kaharamihan sa mga kooperatiba at asosasyon ay hindi sumali sa Transport Strike na panawagan sana nationwide bilang pagpapakita ng pagtutol sa jeepney phase out.

Ayon sa Naga City Chairman Jeepney Operation Association , suportado nila ang modernisasyon ng Public Utility Vehicles (PUV) , may mga panuntunan lamang na dapat plantsahin dahil hindi nagiging paborable sa mga tsuper at operator.

Ang Naga- Daraga Transport Cooperative naman sinabing malaking hamon ang modernisasyon na nais ng pamahalaan pero hindi ito daan upang matigil ang serbisyo sa transport sa loob ng isang linggo.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Khai Galecia , driver ng biyaheng centro ng Naga patungo sa Pacol nais din sana nilang sumama pero may mga pag-uusap sa mga miyembro at opisyal at napagkasunduan na hindi makikiisa sa tigil pasada.

Binigyan diin niya na ang Centro- Pacol Drivers Association o CEPODA ay bukas sa modernisasyon pero hindi sana sa mabigat na pamamaraan. Kung maaari sana aniya magkaroon na lamang ng rehabilitasyon kaysa sa tuluyang alisin ang Pinoy Jeepney. Naririyan naman aniya ang Land Transportation Office upang matiyak ang road worthiness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *