Biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat muling sinuspinde ng Coast Guard sa karagatang sakop ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Matapos payagan ang pagbiyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat noong Biyernes, pansamantalang sinuspinde na naman ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat simula nitong linggo, February 26.

Batay sa Notice to Mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station, pansamantalang sinususpinde ang biyahe ng mga bangkang 250 GT pababa kasunod ng Gale Warning na ibinandera ng Pagasa.

Strong to gale force winds ang nakakaapekto sa northern at eastern seaboards ng Luzon kasama na ang lalawigan dahil sa amihan.

Dahil dito pansamantalang suspendido ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat bilang proactive measure upang maiwasan ang maritime incidents.

Mababatid na pagpasok pa lang ng Enero nitong taon ay ilang insidente na ng pagkalubog ng bangka ang nangyari na nauwi pa sa pagbubuwis ng buhay.

Ang ibang mangingsda napipilitang pumalaot dahil sa halos dalawang buwang hindi makapaghanapbuhay.

Muli namang papayagan ang pagpalaot ng mga bangka sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon.

Bago ang naranasan na namang mahihina hanggang sa katamtamanag pag ulan noong weekend ay dalawang araw na maganda ang lagay ng panahon.

Tilla patikim nga ito sa darating na panahon ng tag- init.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *