Biyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes suspendido pa rin ngayong araw

CAMARINES NORTE- Mananatili pa ring suspendido ang biyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ngayong araw ng Lunes, December 19.

Batay ito sa impormasyon  na ipinaabot sa Brigada News FM Daet ngayong umaga mula kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Coast Guard Camarines Norte.

Mababatid na simula kahapon araw ng linggo ay nagpatupad ng temporary suspension of voyage ang Coast Guard sa karagatang sakop ng Camarines Norte para sa mga bangkang 250 GT pababa dahil sa gale warning na ibinandera ng Pagasa bunsod ng Northeast Monsoon.

Batay sa Notice to Mariners na ipinalabas ni LTJG Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte, papayagan ulit ang mga itong bumiyahe kapag bumuti na ang lagay ng panahon.

Ginawa ng PCG ang abiso upang maiwasan ang posibleng Maritime Incident.

Samantala, asahan naman daw na simula bukas ay magkakaroon ng improvement sa lagay ng panahon sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Anjanete Ebron, weather specialist ng Pagasa Daet nakakapekto ngayon s alalawigan ang Shear Line at ang trough ng Low Pressure Area sa may bahagi ng Mindanao.

Dahil dito pinag iingat ang mga nakatira sa tabi ng ilog at dagat gayundin ang mga residente sa mga binabahang lugar at paanan ng bundok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *