Biyahe ng tren sa ilang bayan sa Camarines Sur at Albay limitado pa rin

NAGA CITY –Nakatuon ngayon ang atensyon ng LGU-Naga sa araw-araw na operasyon ng tren na kung saan limitado lamang ang biyahe patungo sa Ligao City at ilang bayan sa Camarines Sur.

Limitado dahil kulang sa empleyado at personahe ang Phil. National Railways Management matapos na magsara ito noong mga nakaraang taon hindi na ni-renew ang kontrata ng mga dating empleyado.

Bagamat limitado at kulang ang biyahe ng tren, maganda naman ang resulta lalo na sa mga estudyante at mga empleyado na nagmamadali at ayaw maipit ng trapiko sa kalsada.

 Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Jose Perez,chairman ng Trade and Investment sa konseho,sinabi nito na isa ang PNR ang nakakatulong ngayon sa local economy at turismo ng lungsod.

Mura lang ang pasahe sa tren, kung ihahambing sa mga public utility vehicles na mahal dahil na rin sa patuloy na nangyayaring oil price hike.

Kaugnay nito, nakakarating sa konseho ang ilang mga reklamo na dahil sa kulang ng personahe at empleyado, kulang din ang serbisyong naibibigay sa publiko .

Hangad nina Perez na muling maghire ng mga panibagong empleyado ang PNR para na rin sa tuluyang pagbuti ng operasyon nito araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *