Biyahe ni PBBM pa-Malaysia, tuloy sa kabila ng sama ng panahon

Hindi napigilan ng masamang panahon ang pagbiyahe ni Pangulong Bongbong Marcos papunta sa Malaysia.

Ngayong araw, tutulak pa rin si Marcos pa-Malaysia para sa kanyiang tatlong araw na official state visit.

Magsisilbi namang caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa ibang bansa pa si Marcos.

Bago ito, una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ilan sa mga posibleng ibida ng Pangulo sa Malysian visit ay ang Maharlika Investment Fund (MIF).

Inaasahan ding bibisita ito sa Filipino community doon.

Pagpapalakas ng bilateral cooperation sa 5 priorities areas ng Marcos admin, target

Sa departure speech ng Pangulo, sinabi nitong nakatakda syang makipag pulong kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pag usapan ang pagpapalakas sa 5 priorities area kabilang ang agriculture, food security, tourism, digital economy at people-to-people exchanges.

Hangad din ng kanyang administrasyon na maexplore ang ugnayan sa Malaysia pagdating sa usaping Halal industry at Islamic banking.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *