Biyahero papasok ng Catanduanes inaresto ng mga otoridad matapos pagsisigawan ang mga border personnel nang madiskubreng peke ang kanyang RT-PCR test

Catanduanes—Pansamantalang ipiniit sa himpilan ng pulisya ang isang lalaking biyahero papasok ng Catanduanes matapos nitong pagsisigawan ang mga personahe ng Border Control Management Team sa Tabaco Port sa lalawigan ng Albay.

Sa impormasyong nakuha ng BNFM Bicol sa IMT-Catanduanes, sinabi nitong nakumpirma ng BCMT-Tabaco na peke ang iprinisinta nitong swab test result nang makipag-ugnayan sila sa testing facility na nakasaad sa peke nitong dokumento.

Bukod sakanya, kasama rin nito ang kanyang mag-ina na pawang nag presenta rin ng pekeng negative RT-PCR Test.

Nauwi sa komosyon at paninigaw ng lalaki sa mga personahe ng border control ang pagpupumilit nitong makapasok at pahintulutan na maka biyahe patungong Catanduanes kaya’t napilitan ang grupo na ipaaresto at pansamantala itong ipiit sa himpilan ng pulisya.

Nakalabas naman agad ang lalaki matapos itong makapag piyansa.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng IMT-Catanduanes sa publiko na sundin ang mga hinihingi nilang dokumento at huwag patulan ang mga nag-aalok ng pekeng dokumento sa mas murang halaga upang maiwasan ang mga katulad na insidente.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *